21 At pumili ka sa taong-bayan ng mga lalaking may kakayahan, may takot sa Diyos, mapagkakatiwalaan, at hindi tumatanggap ng suhol. Gawin mo silang mga pinuno ng mga pangkat na binubuo ng isang libo, isang daan, limampu at sampung tao. 22 Maglilingkod sila bilang mga hukom sa lahat ng oras. Sila ang magpapasya sa simpleng mga kaso, pero dadalhin nila sa iyo ang mabibigat na kaso. Sa ganitong paraan, mapapagaan ang trabaho mo dahil matutulungan ka nila.
Exodus 18:21,22
Em outras traduções
- ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)
21 Bukod dito’y hahanap ka sa buong bayan ng Deut. 1:15,16;16:18;2 Cron. 19:5,10;Gawa 6:3.mga taong bihasa, gaya ng matatakutin sa Dios, Deut. 16:19.na mga taong mapagpatotoo, na mga napopoot sa kasakiman; at siyang mga ilagay mo sa kanila, na magpuno sa mga lilibuhin, magpuno sa mga dadaanin, magpuno sa mga lilimangpuin, at magpuno sa mga sasangpuin:
22 At pahatulan mo sa kanila ang bayan sa buong panahon: Lev. 24:11;Blg. 15:33;Deut. 1:17;17:8.at mangyayari, na bawa’t malaking usap ay dadalhin nila sa iyo, datapuwa’t bawa’t munting usap, ay silasila ang maghahatulan: sa ganyan ay magiging magaan sa iyo, Blg. 11:17.at magpapasan silang katulong mo.
Direitos das traduções citadas
Estes versículos te tocaram? Ore agora!
+581 estão orando agora.
Junte-se à corrente de oração.