12 Igalang mo ang iyong amaʼt ina upang mabuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon na iyong Diyos.
13 Huwag kang papatay.
14 Huwag kang mangangalunya.
15 Huwag kang magnanakaw.
16 Huwag kang sasaksi nang hindi totoo laban sa iyong kapwa.
17 Huwag mong pagnasahan ang bahay ng iyong kapwa, o ang kanyang asawa, mga aliping lalaki o babae, mga baka, asno, o anumang pag-aari niya."