10 "Magpagawa ka ng Kahon na yari sa akasya: mga apatnapuʼt limang pulgada ang haba, dalawampuʼt pitong pulgada ang lapad at dalawampuʼt pitong pulgada rin ang taas. 16 Pagkatapos, ipasok mo sa Kahon ang malalapad na bato ng kasunduan na ibibigay ko sa iyo.
17 "Magpagawa ka ng takip ng kapatawaran gamit ang purong ginto, apatnapuʼt limang pulgada ang haba at dalawampuʼt pitong pulgada ang lapad. 18 Magpagawa ka rin ng dalawang gintong kerubin gamit ang pinanday na ginto, at ilagay ito sa mga dulo ng takip. 21 Ilagay mo sa Kahon ang malalapad na batong ibinigay ko sa iyo, kung saan nakasulat ang mga utos ko, at pagkatapos ay takpan mo ang Kahon.