31 "Magpagawa ka rin ng ilawan na gawa sa pinitpit na purong ginto ang paa, katawan at mga palamuting hugis bulaklak, na ang ibaʼy buko pa lang at ang ibaʼy nakabuka na. Ang palamuting ito ay dapat kasama nang gagawin ang katawan ng lalagyan ng ilaw.
37 "Magpagawa ka ng pitong ilawan at ilagay sa lalagyan nito upang mailawan ang lugar sa harapan nito. 39 Ang kailangan mo sa pagpapagawa ng ilawan at sa lahat ng kagamitan nito ay tatlumpuʼt limang kilo ng purong ginto.