Ang Tabernakulo
1 "Magpagawa ka ng Tabernakulo gamit ang sampung piraso ng tabing na gawa sa hinabing pinong lino at lanang asul, ube at pula. At paburdahan mo ito ng kerubin sa mahusay na mambuburda.
7 "Pagawan mo ng talukbong ang Tolda. Labing-isang pirasong tela na gawa sa balahibo ng kambing ang gagamitin sa paggawa nito. 14 Ang ibabaw ng talukbong ng Tolda ay papatungan ng balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, at papatungan din ng magandang klase ng balat.26:14 magandang klase ng balat: Maaaring ang ibig sabihin, balat ng mga malalaking isdang pandagat.
15 "Dapat ang balangkas ng Tolda ay tablang akasya.
31 "Magpagawa ka rin ng kurtina na gawa sa lanang kulay asul, ube at pula, at hinabing pinong lino. At paburdahan mo ito ng kerubin sa mahuhusay na mambuburda. 33 Kapag naisabit na ang kurtina sa mga kawit, ilagay sa likod nito ang Kahon ng Kasunduan. Ang kurtina ang maghihiwalay sa Banal na Lugar at sa Pinakabanal na Lugar.