Ang Altar na Pagsusunugan ng Handog
1 "Magpagawa ka ng altar na yari sa akasya. Pitoʼt kalahating talampakan ang haba, pitoʼt kalahating talampakan din ang lapad, at apat at kalahating talampakan ang taas. 2 Palagyan mo ito ng mga sungay sa apat na sulok, at ang mga sungay na ito ay dapat kaisang piraso ng altar. Pagkatapos, pabalutan mo ng tanso ang altar. 3 Ang lahat ng kagamitan ng altar ay kailangang gawa sa tanso, ang mga lalagyan ng abo, pala, mangkok, malalaking tinidor para sa karne at mga lalagyan ng baga. 4 Magpagawa ka rin ng parilyang tanso para sa altar, at lagyan ito ng argolyang tanso sa bawat sulok. 5 Pagkatapos, ilagay mo ito sa ilalim ng altar, sa patungan nito sa bandang gitna ng altar. 6 Magpagawa ka rin ng tukod na pambuhat sa altar. Kailangang galing ito sa kahoy na akasya, at nababalutan ng tanso. 7 Ipasok ang tukod sa argolya sa bawat gilid ng altar upang mabuhat ang altar. 8 Ang ipapagawa mong altar ay tabla at dapat bakante sa loob. Ipagawa ito ayon sa planong sinabi ko sa iyo roon sa bundok.
Ang Bakuran ng Tabernakulo
(Exo. 38:9-20)