Pular para o conteúdo
Publicidade

Exodus 30:17-21

OASD Ang Salita ng Diyos

17 Sinabi ng Panginoon kay Moises, 18 "Gumawa ka ng tansong planggana na tanso rin ang patungan, upang gamiting hugasan. Ilagay mo ito sa gitna ng Tabernakulo at ng altar, at lagyan ito ng tubig. 19 Ito ang gagamitin ni Aaron at ng mga anak niya sa paghuhugas ng mga kamay at paa nila. 20 Sa tuwing papasok sila sa Toldang Tipanan, kailangan nilang maghugas upang hindi sila mamatay. Gayundin, sa tuwing lalapit sila sa altar para mag-alay sa akin ng handog na pagkain sa akin, 21 kailangan nilang maghugas ng mga kamay at paa nila upang hindi sila mamatay. Ito ay tuntuning panghabang-panahon na dapat sundin ni Aaron at ng angkan niya hanggang sa susunod pang mga henerasyon nila."

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    17 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,

    18 Ex. 38:8;1 Hari 7:38.Gagawa ka rin ng isang hugasang tanso, at ang tungtungan ay tanso, upang paghugasan: at iyong ilalagay sa gitna ng tabernakulo ng kapisanan at ng dambana at iyong sisidlan ng tubig.

    19 At si Aaron at ang kaniyang mga anak ay maghuhugas Ex. 40:31,32;Awit 26:6.doon ng kanilang mga paa:

    20 Pagka sila’y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan, ay maghuhugas sila ng tubig, upang sila’y huwag mamatay, o pagka sila’y lumalapit sa dambana na mangasiwa, upang magsunog ng handog na pinaraan sa apoy sa Panginoon.

    21 Gayon sila maghuhugas ng kanilang mga kamay at ng kanilang mga paa upang huwag silang mamatay: at magiging isang palatuntunan magpakailan man sa kanila, sa kaniya at sa kaniyang binhi, sa buong panahon ng kanilang mga lahi.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.