Pular para o conteúdo
Publicidade

Exodus 32:11-14,32,33

OASD Ang Salita ng Diyos

11 Ngunit nagmakaawa si Moises sa Panginoon na kanyang Diyos, "O Panginoon, bakit po ninyo ipapalasap ang galit nʼyo sa inyong mga mamamayang inilabas ninyo sa Ehipto sa pamamagitan ng dakila nʼyong kapangyarihan? 12 Ano na lang po ang sasabihin ng mga Ehipsiyo, na kinuha po ninyo ang inyong mga mamamayan sa Ehipto para lang patayin sila sa kabundukan at lipulin sa balat ng lupa? O, Panginoon, huwag po ninyong ituloy ang matinding galit ninyo. Maghunos-dili po kayo, at huwag ninyo silang parusahan. 13 Alalahanin po ninyo ang ipinangako nʼyo sa inyong lingkod na sina Abraham, Isaac, at Jacob na pararamihin ninyo ang lahi nila na kasindami ng bituin sa langit, at ibibigay ninyo sa lahi nila ang lahat ng lupaing ipinangako ninyo sa kanila, at magiging kanila ito magpakailanman." 14 Kaya hindi na itinuloy ng Panginoon ang plano niyang pagpatay sa kanyang mga mamamayan.

32 Ngunit ngayon, patawarin nʼyo po sila sa kanilang mga kasalanan. Kung hindi ninyo sila mapapatawad, burahin na lang ninyo ang aking pangalan sa aklat na sinulatan nʼyo ng pangalan ng inyong mga mamamayan."

33 Sumagot ang Panginoon kay Moises, "Kung sino ang nagkasala sa akin, ang pangalan niya ang buburahin ko sa aklat ko.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    11 Deut. 9:18,26-29;Awit 74:1,2;106:23.At dumalangin si Moises sa Panginoon niyang Dios, at sinabi, Panginoon, bakit ang iyong pagiinit ay pinapagaalab mo laban sa iyong bayan, na iyong inilabas sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan at ng makapangyarihang kamay?

    12 Blg. 14:13.Bakit sasalitain ng mga Egipcio, na sasabihin, Dahil sa kasamaan, inilabas sila upang patayin sila sa mga bundok, at upang lipulin sila sa balat ng lupa? Iurong mo ang iyong mabangis na pagiinit, at tal.14;Gen. 6:6.pagsisihan mo ang kasamaang ito laban sa iyong bayan.

    13 Alalahanin mo si Abraham, si Isaac, at si Israel na iyong mga lingkod, Gen. 22:16;Heb. 6:13.na silang iyong mga sinumpaan sa iyong sarili, at mga pinagsabihan, Aking Gen. 12:7;13:15;15:7,18;26:4;28:13;35:11,12.pararamihin ang inyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit, at lahat ng lupaing ito na aking sinalita ay aking ibibigay sa inyong binhi, at kanilang mamanahin magpakailan man.

    14 At pinagsisihan ng Awit 106:45.Panginoon ang kasamaan na kaniyang sinabing kaniyang gagawin sa kaniyang bayan.

    32 Gayon ma’y ngayon, kung iyong ipatatawad ang kanilang kasalanan—; at kung hindi, Rom. 9:3.ay alisin mo ako, isinasamo ko sa iyo, Awit 56:8;69:28;139:16;Dan. 12:1;Fil. 4:3;Apoc. 3:5;13:8;17:8;20:12,15;21:27;22:19.sa iyong aklat na sinulat mo.

    33 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ezek. 18:4-30.Ang magkasala laban sa akin ay siya kong aalisin sa aking aklat.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.