10 Sinabi ng Panginoon, "Gagawa ako ng kasunduan sa inyo. Sa harap ng lahat ng iyong mga kababayan, gagawa ako ng mga kababalaghang hinding-hindi ko pa nagagawa sa kahit saang bansa sa buong mundo. Makikita ng mga mamamayan sa palibot ninyo ang mga bagay na gagawin ko sa pamamagitan mo. 11 Sundin mo ang iniuutos ko sa iyo sa araw na ito. Itataboy ko sa harap mo ang mga Amoreo, Cananeo, Heteo, Perezeo, Heveo at mga Jebuseo. 12 Huwag kang gagawa ng kasunduan sa mga tao sa lupaing pupuntahan ninyo, dahil magiging bitag ito para sa inyo. 13 Sa halip, gibain ninyo ang kanilang mga altar, durugin ang kanilang mga alaalang bato, at putulin ang kanilang mga posteng imahen ni Ashera. 14 Hindi kayo dapat magkaroon ng ibang diyos maliban sa akin. Dahil ako, ang Panginoon, Mapanibugho ang pangalan ko at ayaw kong may kaagaw sa inyong pagsamba.
15 "Huwag kayong gagawa ng kasunduan sa mga taong nakatira sa lupaing iyon, dahil kapag inimbitahan nila kayo sa kanilang pagsamba at paghahandog sa kanilang mga diyos, mahikayat pa nila kayong kumain ng kanilang mga handog. 16 Baka mapangasawa ng mga anak nʼyo ang mga anak nila, na silang magtutulak sa kanila sa pagsamba sa ibang mga diyos.