21 Dumating ang lahat ng taong naantig ang puso at nahimok ng kanyang espiritu, at dinala nila ang mga handog nila sa Panginoon para sa paggawa ng Toldang Tipanan at ang lahat ng kagamitan nito, at para sa damit ng mga pari. 22 Ang lahat ng gustong maghandog, lalaki man o babae ay nagdala ng mamahaling mga alahas; mga hikaw, mga kuwintas, mga pulseras at ibaʼt ibang klase ng gintong alahas. Dinala nila ang mga ginto nila bilang handog sa Panginoon. 29 Kaya ang lahat ng mga Israelita, lalaki man o babae, na gustong tumulong sa lahat ng gawain na iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises ay kusang-loob na nagdala ng mga handog sa Panginoon.
Sila Bezalel at Oholiab
(Exo. 31:1-11)