5 Nagpunta sila kay Moises at ibinalita, "Sobra na sa kinakailangan ang dinadala ng mga tao para sa gawaing iniutos ng Panginoon na gawin."
6 Kaya ipinadala ni Moises ang utos na ito sa buong kampo: "Huwag na kayong maghandog para sa pagpapatayo ng Tolda." Kaya tumigil na ang mga tao sa pagdadala ng mga handog nila, 7 dahil sobra-sobra na ang ibinigay nila para sa lahat ng gawain.
Ang Pagpapatayo ng Tabernakulo
(Exo. 26:1-37)