Ang Paggawa ng Kahon ng Kasunduan
1 Ginawa nina Bezalel ang Kahon gamit ang kahoy ng akasya. May 45 pulgada ang haba ng Kahon, 27 pulgada ang lapad at taas nito. 2 Binalutan ito ng purong ginto sa loob at labas, at nilagyan ng hinulmang ginto ang mga palibot nito. 3 Ginawaan din nila ito ng apat na argolyang ginto at ikinabit sa apat na paa nito. 4 Gumawa sila ng tukod na akasya na binalutan ng ginto. 5 Ikinabit nila ang mga argolya sa bawat gilid ng Kahon upang mabuhat ang Kahon sa pamamagitan ng mga tukod.
6 Ginawa rin niya ang takip ng kapatawaran gamit ang purong ginto, apatnapuʼt limang pulgada ang haba at dalawampuʼt pitong pulgada ang lapad. 7 Gumawa rin siya ng dalawang gintong kerubin gamit ang pinanday na ginto, at inilagay sa bawat dulo ng takip. 8 Inilagay niya ang isang kerubin sa isang dulo at ang isa naman sa kabilang dulo. Ginawa niya ang mga kerubin na kaisang piraso ng takip sa magkabilang dulo nito. 9 Nakabukang paitaas ang mga pakpak ng mga kerubin na nakalukob sa takip. Magkaharap ang dalawang kerubin at nakatingin sa takip.