Ang Makapangyarihang Presensya ng Panginoon
34 Pagkatapos ng lahat ng ito, binalot ang Tabernakulo40:34 Tabernakulo: O tinatawag din na Toldang Tipanan. ng makapangyarihang presensya ng Panginoon na nasa anyo ng isang ulap. 35 Hindi makapasok si Moises sa Tolda dahil nababalot ito ng makapangyarihang presensya ng Panginoon na nasa anyong ulap.
36 Kapag pumaitaas ang ulap mula sa Tolda at umalis, umaalis din ang mga Israelita sa pinagkakampuhan nila. 37 Ngunit kung hindi, hindi rin sila umaalis hanggang sa araw na ito ay pumaitaas. 38 Ang ulap na sumisimbolo sa presensya ng Panginoon ay nasa itaas ng Tolda kapag araw, at nag-aapoy naman ito kapag gabi upang makita ng lahat ng Israelita habang naglalakbay sila.