17,18 Dahil sa pananampalataya, handang ihandog ni Abraham ang kaisa-isa niyang anak na si Isaac nang subukin siya ng Diyos. Kahit na alam niyang si Isaac ang ipinangako ng Diyos na pagmumulan ng kanyang lahi, handa pa rin niya itong ialay.11:17-18 Gen. 21:12. 19 Sapagkat nanalig si Abraham na kung mamamatay si Isaac, muli siyang bubuhayin ng Diyos. At ganoon nga ang nangyari; parang bumalik sa kanya si Isaac mula sa kamatayan.