5 Iwasan nʼyo ang pagiging sakim sa salapi. Maging kontento kayo sa kung anuman ang nasa inyo, sapagkat sinabi ng Diyos,
"Hinding-hindi ko kayo iiwan
ni pababayaan man."13:5 Deu. 31:6-8.
6 Kaya buong pagtitiwalang masasabi natin,
"Ang Panginoon ang tumutulong sa akin,
kaya hindi ako matatakot.
Ano ang magagawa ng tao laban sa akin?"13:6 Salmo 118:6.