4 Alam natin na may gumawa ng bawat bahay. Ngunit3:4 Ngunit: O At. ang Diyos ang gumawa ng lahat ng bagay. 5 Tapat si Moises sa pamamahala niya sa pamilya ng Diyos bilang isang lingkod. At ang mga bagay na ginawa niya ay larawan ng mga bagay na mangyayari sa hinaharap. 6 Ngunit si Kristo ay tapat bilang Anak na namamahala sa pamilya ng Diyos. At tayo ang pamilya ng Diyos, kung patuloy tayong magiging tapat sa pag-asang ipinagmamalaki natin.