Pular para o conteúdo
Publicidade

Juan 1

45 Hinanap ni Felipe si Natanael at sinabi niya rito, "Natagpuan na namin ang taong tinutukoy ni Moises sa Kautusan, na siya ring isinulat ng mga propeta. Siya si Hesus na taga-Nazaret na anak ni Jose."

46 Tinanong siya ni Natanael, "May mabuti bang nanggagaling sa Nazaret?"

Sumagot si Felipe, "Halika, tingnan mo."

47 Nang makita ni Hesus na papalapit sa kanya si Natanael, sinabi niya, "Narito ang isang tunay na Israelita na hindi nandaraya."

48 Tinanong siya ni Natanael, "Paano ninyo ako nakilala?"

Sumagot si Hesus, "Bago ka pa man tawagin ni Felipe, nakita na kita noong nasa ilalim ka ng puno ng igos."

49 Sinabi ni Natanael, "Rabbi, kayo nga ang Anak ng Diyos! Kayo ang hari ng Israel!"

50 Sinabi sa kanya ni Hesus, "Sumampalataya ka ba sa akin dahil lang sinabi kong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Higit pa rito ang masasaksihan mo." 51 Sinabi pa niya, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, makikita ninyo na bubukas ang langit, at akyat-baba ang mga anghel ng Diyos1:51 Gen. 28:12. sa Anak ng Tao1:51 Titulong madalas gamitin ni Hesus para sa kanyang sarili.."

Veja também