Publicidade

João 19

23 Nang maipako na ng mga sundalo si Hesus, kinuha nila ang kanyang damit at hinati-hati sa apat, tig-iisang bahagi ang bawat sundalo. Kinuha rin nila ang kanyang panloob na kasuotan na hinabi nang buo at walang tahi o dugtong.

24 Kaya sinabi ng isang sundalo, "Huwag na natin itong paghatian. Magpalabunutan na lang tayo kung kanino ito mapupunta."

Nangyari ito upang matupad ang sinabi sa Kasulatan:

"Ang aking mga damit ay kanilang pinaghati-hatian,

at nagpalabunutan sila para sa aking panloob na kasuotan."19:24 Salmo 22:18.

At ito nga ang ginawa ng mga sundalo.

25 Nakatayo malapit sa krus ni Hesus ang kanyang ina, ang kapatid ng kanyang ina, si Maria na asawa ni Clopas, at si Maria na taga-Magdala. 26 Nang makita ni Hesus ang kanyang ina na nakatayo roon katabi ng minamahal niyang alagad, sinabi niya, "Ituring po ninyo siyang anak." 27 At sinabi naman niya sa alagad niya, "Ituring mo siyang ina." Mula noon, tumira na ang ina ni Hesus sa tahanan ng alagad na ito.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-04_15-35-42-