31 Sinabi pa ng Panginoon, "Darating ang panahon
na gagawa ako ng bagong kasunduan
sa mga taga-Israel
at taga-Juda.
32 At hindi ito katulad ng unang kasunduan
na ginawa ko sa kanilang mga ninuno
noong pinatnubayan ko sila
sa paglabas sa Ehipto.
Kahit na akoʼy parang asawa nila,
hindi nila tinupad ang una naming kasunduan,"
sabi ng Panginoon.
33 "Ito ang bagong kasunduan
na gagawin ko sa mga mamamayan
ng Israel pagdating
ng araw na iyon,"
sabi ng Panginoon.
"Itatanim ko sa kanilang isipan
ang aking kautusan,
at isusulat ko ito sa mga puso nila.