Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 1

13 Ngunit sinabi sa kanya ng anghel, "Huwag kang matakot, Zacarias! Dininig ng Diyos ang panalangin mo. Magkakaanak ng isang lalaki ang asawa mong si Elisabet, at Juan ang ipapangalan mo sa kanya. 14 Matutuwa kayo at magiging maligaya dahil sa kanya, at marami ang magagalak sa pagsilang niya, 15 dahil magiging dakila siya sa mata ng Panginoon. Hindi siya dapat uminom ng alak o anumang inuming nakakalasing. Sa sinapupunan pa lang ng kanyang ina ay mapupuspos na siya ng Banal na Espiritu. 16 Dahil sa kanya, maraming Israelita ang magbabalik-loob sa Panginoon na kanilang Diyos. 17 Mauuna siya sa Panginoon para ihanda ang mga tao sa pagdating ng Panginoon. Gagawin niya ito sa tulong ng Espiritu at sa pamamagitan ng kapangyarihang katulad ng kay Elias noon. Tuturuan niya ang mga magulang1:17 magulang: Sa literal, ama. na mahalin ang kanilang mga anak, at ang mga sumusuway sa Diyos na tanggapin ang karunungan ng mga matuwid."

Veja também