28 Sinabi ni Gabriel, "Maria, magalak ka!1:28 Magalak ka: Isang karaniwang paraan ng pagbati sa isang kaibigan. Ikaw na pinagpala ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon."
29 Nabagabag si Maria sa sinabi ng anghel. Inisip niyang mabuti kung ano ang ibig sabihin noon. 30 Kaya sinabi sa kanya ng anghel, "Huwag kang matakot, Maria, dahil pinagpala ka ng Diyos. 31 Magdadalantao ka at magsisilang ng isang lalaki, at papangalanan mo siyang Hesus.