Ang Dapat Katakutan
4 "Sinasabi ko sa inyo, mga kaibigan, huwag kayong matakot sa mga gustong pumatay sa inyo. Ang kaya lamang nilang patayin ay ang katawan ninyo, at pagkatapos ay wala na silang magagawa pa. 5 Sasabihin ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan: Katakutan ninyo ang Diyos, dahil pagkatapos niyang patayin ang katawan ninyo ay may kapangyarihan pa siyang itapon kayo sa impiyerno. Oo, sinasabi ko sa inyo, siya ang dapat ninyong katakutan.