Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 14

Pinagaling ni Hesus ang Lalaking Minamanas

1 Isang Araw ng Pamamahinga, inanyayahan si Hesus na kumain sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo. Binabantayan siyang mabuti ng mga taong kumokontra sa kanya. 2 Doon ay may isang lalaking minamanas. 3 Tinanong ni Hesus ang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, "Ipinapahintulot ba sa Kautusan ang magpagaling ng maysakit sa Araw ng Pamamahinga o hindi?" 4 Ngunit wala ni isa ang nakasagot, kaya hinawakan ni Hesus ang maysakit, pinagaling ito at saka pinauwi.

Veja também