Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 2

25 May isang tao roon sa Jerusalem na ang pangalan ay Simeon. Matuwid siya, may takot sa Diyos, at sumasakanya ang Banal na Espiritu. Hinihintay niya ang pagdating ng Mesias na magliligtas sa Israel. 26 Ipinahayag sa kanya ng Banal na Espiritu na hindi siya mamamatay hanggaʼt hindi niya nakikita ang Mesias na ipinangako ng Panginoon. 27 Nang araw na iyon, sa patnubay ng Espiritu ay pumunta siya sa Templo. At nang dalhin doon nina Maria at Jose ang sanggol na si Hesus para ihandog sa Panginoon ayon sa Kautusan, 28 kinarga ito ni Simeon at nagpuri sa Diyos. Sinabi niya:

29 "Ngayon, Panginoon, maaari na po

akong pumanaw nang payapa

dahil natupad na ang pangako nʼyo

sa akin na inyong lingkod.

30 Dahil nakita na ng aking mga mata ang Tagapagligtas,

31 na inihanda ninyo sa harapan ng lahat ng tao.

32 Siya ang ilaw na magbibigay-liwanag

sa isipan ng mga Hentil na hindi nakakakilala sa inyo,

at magbibigay-dangal sa inyong bayang Israel."

Veja também