34 Binasbasan sila ni Simeon at sinabi niya kay Maria, "Tandaan mo: Itinalaga ang batang ito para ibagsak o iligtas ang marami sa Israel. Magiging tanda siya mula sa Diyos, ngunit marami ang magsasalita laban sa kanya. 35 Kaya ikaw mismo ay masasaktan, na parang sinaksak ng patalim ang puso mo. At dahil sa gagawin niya, mahahayag ang kasamaang nasa isip ng maraming tao."
Publicidade