4 Dahil si Jose ay nagmula sa angkan ni Haring David, naglakbay siya mula sa Nazaret na sakop ng Galilea at umuwi sa Bethlehem sa lalawigan ng Judea, sa bayang sinilangan ni David. 5 Kasama niya sa pagpapalista ang magiging asawa niyang si Maria, na nooʼy malapit nang manganak. 6 At habang naroon sila sa Bethlehem, dumating ang oras ng panganganak ni Maria. 7 Isinilang niya ang kanyang panganay na lalaki, binalot ito ng lampin, at inihiga sa sabsaban, dahil wala nang lugar para sa kanila sa mga bahay-panuluyan.
Publicidade