Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 5

18 Noon din ay may mga taong dumating na buhat-buhat ang isang lalaking paralitiko na nasa higaan. Sinikap nilang ipasok ito sa bahay upang mailagay sa harap ni Hesus. 19 Ngunit hindi sila makapasok dahil sa dami ng tao, kaya umakyat sila sa bubong at bumaklas ng bahagi nito. Pagkatapos, ibinaba nila sa harap ni Hesus ang paralitikong nasa kanyang higaan.

20 Nang makita ni Hesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, "Kaibigan,5:20 Kaibigan: Sa literal, Lalaki. pinatawad na ang iyong mga kasalanan."

21 Sinabi ng mga Pariseo at ng mga tagapagturo ng Kautusan sa kanilang sarili: "Sino ba ang taong ito na lumalapastangan sa Diyos? Tanging Diyos lamang ang nakakapagpatawad ng kasalanan!"

22 Alam ni Hesus ang iniisip nila, kaya tinanong niya ang mga ito, "Bakit ganyan ang iniisip ninyo? 23 Alin ba ang mas madaling sabihin: Pinatawad na ang mga kasalanan mo,o Tumayo ka at lumakad? 24 Ngunit upang malaman ninyo na may kapangyarihan ang Anak ng Tao5:24 Titulong madalas gamitin ni Hesus para sa kanyang sarili. dito sa lupa na magpatawad ng kasalanan, papatunayan ko ngayon sa inyo." At sinabi niya sa paralitiko, "Bumangon ka, buhatin mo ang iyong higaan at umuwi!" 25 Bumangon nga agad ang paralitiko sa harap ng lahat, binuhat ang kanyang higaan, at umuwing nagpupuri sa Diyos.

Veja também