Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 7

Binuhay ni Hesus ang Binatang Anak ng Isang Biyuda

11 Pagkatapos, pumunta si Hesus sa bayan ng Nain. Sumama sa kanya ang kanyang mga alagad at ang napakaraming tao. 12 Nang malapit na sila sa pintuan ng bayan, tamang-tama namang may inilalabas na patay para ilibing. Kaisa-isa siyang anak ng isang biyuda, at maraming tao mula sa bayan ang sumáma sa prusisyon. 13 Pagkakita ng Panginoon sa biyuda, nahabag siya dito at sinabi, "Huwag kang umiyak."

14 Nilapitan ni Hesus at hinawakan ang kinalalagyan ng patay at tumigil ang mga nagdadala nito. Sinabi ni Hesus, "Binata, inuutusan kita, bumangon ka!" 15 Umupo nga ang binata at nagsimulang magsalita. At ibinigay siya ni Hesus sa kanyang ina.

16 Kinilabutan ang mga tao at nagpuri sila sa Diyos. Sinabi nila, "Dumating sa atin ang isang dakilang propeta!" at "Dumalaw ang Panginoon upang tayoʼy tulungan!" 17 At kumalat sa buong Judea at sa lahat ng lugar sa palibot nito ang balita tungkol kay Hesus.

Veja também