Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 9

12 Nang magdapit-hapon na, lumapit sa kanya ang labindalawang alagad at sinabi, "Paalisin nʼyo na po ang mga tao nang makapunta sila sa kanayunan at kabukiran na malapit para humanap ng matutuluyan at makakain, dahil nasa ilang na lugar po tayo."

13 Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, "Kayo ang magpakain sa kanila."

Sumagot sila, "Limang tinapay at dalawang isda lang po ang mayroon tayo. Hindi ito kakasya, maliban na lang kung bibili kami ng pagkain para sa kanila." 14 (May limang libong lalaki ang naroon.)

Sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, "Paupuin ninyo sila nang grupo-grupo na tig-limampu bawat grupo." 15 At pinaupo nga nila ang lahat. 16 Kinuha ni Hesus ang limang tinapay at dalawang isda. Tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang mga ito at ibinigay sa mga alagad niya para ipamigay sa mga tao. 17 Kumain silang lahat at nabusog. Pagkatapos, inipon nila ang natirang pagkain, at nakapuno sila ng labindalawang basket.

Veja também