38 May isang lalaki roon na sumisigaw, "Guro, pakitingnan po ninyo ang kaisa-isa kong anak na lalaki! 39 Sinasaniban po siya ng masamang espiritu at bigla na lang siyang nagsisisigaw, nangingisay at bumubula ang bibig. Sinasaktan siya palagi ng masamang espiritu at halos ayaw siyang iwan. 40 Nakiusap ako sa mga alagad ninyo na palayasin nila ang masamang espiritu, pero hindi po nila kaya."
41 Sumagot si Hesus, "Kayong henerasyon ng mga walang pananampalataya at baluktot ang pag-iisip! Hanggang kailan ba ako magtitiis sa inyo? Dalhin mo rito ang anak mo."
42 Nang papalapit na ang bata, itinumba siya at pinangisay ng demonyo. Ngunit pinalayas ni Hesus ang masamang espiritu at pinagaling ang bata, at ibinalik sa ama nito. 43 Namangha ang lahat sa kapangyarihan ng Diyos.
Ipinahayag muli ni Hesus ang Kanyang Kamatayan
Habang mangha pa ang lahat sa mga ginawa ni Hesus, sinabi niya sa mga alagad niya,