Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 10

4 Sumagot ang mga Pariseo, "Ipinahintulot ni Moises na gumawa ang isang lalaki ng kasulatan ng paghihiwalay, at pagkatapos ay puwede na niyang hiwalayan ang kanyang asawa."10:4 Deu. 24:1.

5 Sinabi sa kanila ni Hesus, "Ibinigay ni Moises sa inyo ang kautusang iyan dahil sa katigasan ng ulo ninyo. 6 Ngunit sa simula pa, nang likhain ng Diyos ang mundo, ginawa niya ang tao na lalaki at babae.10:6 Gen. 1:27; 5:2. 7 Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina, at magsasama sila ng kanyang asawa. 8 At silang dalawa ay magiging isa.10:8 Gen. 2:24. Hindi na sila dalawa kundi isa na lang. 9 Kaya hindi dapat paghiwalayin ng tao ang pinagsama ng Diyos."

Veja também