Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 11

20 Kinaumagahan, nang pabalik na silang muli sa Jerusalem, nadaanan nila ang puno ng igos at nakita nilang tuyong-tuyo na ito hanggang sa ugat. 21 Naalala ni Pedro ang nangyari. Kaya sinabi niya, "Rabbi, tingnan nʼyo po ang puno ng igos na isinumpa ninyo. Natuyo na!"

22 Sinabi ni Hesus sa kanila, "Sumampalataya kayo sa Diyos! 23 Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung may pananampalataya kayo, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, Lumipat ka sa dagat!At kung hindi kayo nag-aalinlangan, at sa halip ay nananampalataya na mangyayari iyon, mangyayari nga ang sinabi ninyo. 24 Kaya tandaan ninyo: Anuman ang hilingin ninyo sa Diyos sa panalangin, manampalataya kayong natanggap na ninyo ito, at matatanggap nga ninyo. 25 At kapag nananalangin kayo, patawarin nʼyo muna ang mga nagkasala sa inyo upang ang mga kasalanan ninyo ay patawarin din ng inyong Amang nasa langit. [

Veja também