11 Pumunta si Natan kay Batsheba na ina ni Solomon, at nagtanong, "Hindi mo ba alam na ang anak ni Haguit na si Adonias ay ginawang hari ang sarili at hindi ito alam ni Haring David? 12 Kung gusto mong maligtas ang buhay mo at ang buhay ng anak mong si Solomon, sundin mo ang payo ko. 13 Puntahan mo si Haring David at sabihin mo sa kanya, ‘Mahal na Hari, hindi po baʼt nangako kayo sa akin na ang anak nating1:13 nating: Sa literal, kong. Ganito rin sa talata 17|1KI 1:17. anak na si Solomon ang papalit sa inyo bilang hari? Bakit si Adonias po ang naging hari?’