Pular para o conteúdo
Publicidade

Exodus 2

5 Ngayon, lumusong ang anak na babae ng Faraon sa Ilog Nilo upang maligo. Habang naliligo ang prinsesa,2:5 prinsesa: Sa literal, anak na babae ng Faraon. Ganito rin sa talata 7|EXO 2:7, 8|EXO 2:8, 9|EXO 2:9, 10|EXO 2:10. ang mga utusang babae naman niya ay naglalakad-lakad sa pampang. Nakita ng prinsesa ang basket sa matataas na damo kaya ipinakuha niya ito sa isa sa kanyang mga utusan. 6 Binuksan niya ang basket at nakita ang umiiyak na sanggol, kaya naawa siya rito. Sinabi niya, "Isa ito sa mga sanggol ng mga Hebreo."

7 Pagkatapos, lumapit ang kapatid na babae ng sanggol sa prinsesa at nagtanong, "Gusto nʼyo po bang ikuha ko kayo ng isang babaeng Hebreo na magpapasuso at mag-aalaga sa sanggol para sa inyo?"

8 Sumagot ang prinsesa, "Sige." Kaya umalis ang kapatid ng sanggol at pinuntahan ang kanilang ina at dinala sa prinsesa. 9 Sinabi ng prinsesa sa ina ng bata, "Dalhin mo ang sanggol na ito at pasusuhin para sa akin. Alagaan mo siya at babayaran kita." Kaya kinuha niya ang sanggol at inalagaan.

Veja também