3 Sa Anak nakikita ang kaluwalhatian ng Diyos, at kung ano ang Diyos ay ganoon din siya. Siya ang nag-iingat sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng makapangyarihan niyang salita. Umupo siya sa kanan ng Kataas-taasang Diyos doon sa langit matapos niya tayong linisin sa ating mga kasalanan.
4 Ipinapakita nitong higit na dakila ang Anak ng Diyos kaysa sa mga anghel at higit na dakila ang pangalan niya kaysa sa kanila.