Ang Dugo ni Kristo
11 Ngunit dumating na si Kristo na punong pari ng bagong pamamaraan na higit na mabuti kaysa sa dati. Pumasok siya sa mas dakila at mas ganap na Toldang hindi gawa ng tao, at wala sa mundong ito. 12 Minsan lang pumasok si Kristo sa Pinakabanal na Lugar. At hindi dugo ng kambing o ng guya ang dala niya kundi ang sarili niyang dugo. At sa pamamagitan ng kanyang dugo, tinubos niya tayo sa mga kasalanan natin magpakailanman.