Ang Dugo ni Kristo
11 Ngunit dumating na si Kristo na punong pari ng bagong pamamaraan na higit na mabuti kaysa sa dati. Pumasok siya sa mas dakila at mas ganap na Toldang hindi gawa ng tao, at wala sa mundong ito.
15 Kaya si Kristo ang ginawang tagapamagitan sa atin at sa Diyos sa bagong kasunduan. Sapagkat sa pamamagitan ng kanyang kamatayan, tinubos niya ang mga taong lumabag sa unang kasunduan. Dahil dito, matatanggap ng mga tinawag ng Diyos ang walang hanggang pagpapala na ipinangako niya.