39 Sinamahan siya ni Nicodemo, ang lalaking bumisita noon kay Hesus isang gabi. Nagdala si Nicodemo ng mga 35 kilo ng pabango na gawa sa pinaghalong mira at aloe. 40 Kinuha nila ang bangkay ni Hesus at nilagyan ng pabango at binalot ng telang lino, ayon sa nakaugalian ng mga Hudyo sa paglilibing.