Pular para o conteúdo
Publicidade

João 9

Pinagaling ni Hesus ang Isang Bulag

1 Habang naglalakad si Hesus, may nakita siyang isang lalaki. Ang lalaking ito ay ipinanganak na bulag. 2 Tinanong si Hesus ng mga alagad niya, "Rabbi, sino po ba ang nagkasala at ipinanganak siyang bulag? Siya po ba o ang mga magulang niya?"

3 Sumagot si Hesus, "Hindi dahil sa kasalanan niya o ng mga magulang niya kaya ipinanganak siyang bulag. Nangyari ito upang maipakita ang kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapagaling sa kanya. 4 Dapat na nating gawin ang mga ipinapagawa ng Diyos na siyang nagsugo sa akin habang araw pa, dahil pagsapit ng gabi ay wala nang makakapagtrabaho. 5 Habang akoʼy nasa mundo, ako ang ilaw ng mundo."

6 Pagkasabi niya nito, dumura siya sa lupa, gumawa ng putik mula sa dura at ipinahid niya sa mata ng bulag. 7 Sinabi ni Hesus sa bulag, "Pumunta ka sa paliguan ng Shiloam at maghilamos ka roon." (Ang ibig sabihin ng Siloam ay "Sinugo".) Pumunta nga roon ang bulag at naghilamos. Nang bumalik siya ay nakakakita na siya.

Veja também