30 Kaya sinabi sa kanya ng anghel, "Huwag kang matakot, Maria, dahil pinagpala ka ng Diyos. 31 Magdadalantao ka at magsisilang ng isang lalaki, at papangalanan mo siyang Hesus. 32 Magiging dakila siya at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng ninuno niyang si David. 33 Maghahari siya sa mga lahi ni Jacob magpakailanman; ang kaharian niya ay walang katapusan."
Publicidade