Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 1

Ang Awit ni Maria

46 At sinabi ni Maria,

"Buong puso kong pinupuri ang Panginoon,

47 at nagagalak ang aking espiritu

sa Diyos na aking Tagapagligtas!

48 Sapagkat inalala niya ako

na kanyang abang lingkod.

Mula ngayon ay ituturing akong mapalad

ng lahat ng henerasyon,

49 dahil sa dakilang mga bagay

na ginawa sa akin ng Makapangyarihang Diyos.

Banal ang kanyang pangalan!

50 Kinaaawaan niya ang mga taong may takot sa kanya

sa bawat henerasyon.

51 Ipinakita niya ang dakila niyang mga gawa

sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.

Itinaboy niya ang mga taong

mataas ang tingin sa sarili.

52 Ibinagsak niya ang mga hari

mula sa kanilang mga trono,

at iniangat niya ang mga aba.

53 Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom,

ngunit pinaalis niya na walang dala ang mayayaman.

54,55 Tinulungan niya ang Israel na kanyang lingkod.

Sapagkat hindi niya kinalimutan ang pangako niya

sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang lahi,

na kaaawaan niya sila magpakailanman."

Veja também