4 "Kung kayo ay may isang daang tupa at nawala ang isa, ano ang gagawin ninyo? Hindi baʼt iiwan ninyo ang siyamnapuʼt siyam sa pastulan at hahanapin ang nawawala hanggang sa makita ninyo? 5 At kapag nakita na ninyo, masaya ninyo itong papasanin pauwi. 6 Pagkatapos, tatawagin ninyo ang mga kaibigan at kapitbahay ninyo at sasabihin sa kanila, ‘Makipagsaya kayo sa akin, dahil nakita ko na ang nawawala kong tupa.’ 7 Ganoon din sa langit, masayang-masaya sila roon dahil sa isang makasalanang nagsisi kaysa sa siyamnapuʼt siyam na matuwid na hindi nangangailangang magsisi.