Publicidade

Lucas 18

Ang Talinghaga tungkol sa Matiyagang Biyuda

1 Nagkuwento si Hesus sa mga alagad niya upang turuan silang laging manalangin at huwag mawalan ng pag-asa. 2 Sabi niya, "Sa isang bayan ay may isang hukom na walang takot sa Diyos at walang paggalang sa tao. 3 Sa bayan ding iyon ay may isang biyuda na palaging pumupunta sa hukom at nagsasabi, Bigyan nʼyo po ako ng katarungan at ipagtanggol nʼyo ako laban sa mga kaaway ko!

4 "Noong una ay hindi pinapansin ng hukom ang biyuda, pero sa bandang huli ay sinabi niya, Kahit hindi ako natatakot sa Diyos at walang iginagalang na tao, 5 bibigyan ko ng katarungan ang babaeng ito para hindi na niya ako gambalain ulit. Dahil kung hindi, iinisin lang niya ako sa kapaparito niya.’ "

6 Pagkatapos, sinabi ng Panginoon, "Narinig ninyo ang sinabi ng masamang hukom? 7 Ang Diyos pa kaya ang hindi magbigay ng katarungan sa mga pinili niya na tumatawag sa kanya araw at gabi? 8 Tinitiyak ko sa inyo na bibigyan niya agad sila ng katarungan. Ngunit pagbalik ng Anak ng Tao sa mundo, may makikita kaya siyang mga taong sumasampalataya sa kanya?"

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-04_21-26-40-