Maraming Pinagaling si Hesus
38 Umalis si Hesus sa sinagoga at pumunta sa bahay ni Simon. Mataas noon ang lagnat ng biyenang babae ni Simon, kaya nakiusap sila kay Hesus na pagalingin siya. 39 Tumayo si Hesus sa tabi ng maysakit at inutusan ang lagnat na umalis, at nawala ito. Kaagad na bumangon ang babae at pinagsilbihan sina Hesus.