Huwag Husgahan ang Kapwa
37 "Huwag kayong manghusga upang hindi rin kayo husgahan. Huwag kayong humatol upang hindi rin kayo hatulan. Magpatawad kayo upang patawarin din kayo. 38 Magbigay kayo upang bigyan din kayo – hustong takal, siniksik, niliglig, at umaapaw ang ibubuhos sa inyong sisidlan. Sapagkat ang panukat na ginamit ninyo sa pagbibigay ay siya ring gagamiting panukat ng ibibigay sa inyo."6:38 Sapagkat … sa inyo: Sa literal, Sapagkat ang panukat na ginamit ninyo ay siya ring panukat na gagamitin sa inyo.