Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 6

Ang Lalaking Paralisado ang Isang Kamay

6 Noong isa pang Araw ng Pamamahinga, pumasok si Hesus sa sinagoga at nagturo. May isang lalaki roon na paralisado ang kanang kamay. 7 Binantayang mabuti ng mga tagapagturo ng Kautusan at ng mga Pariseo si Hesus kung magpapagaling siya sa Araw ng Pamamahinga, upang may maiparatang sila laban sa kanya. 8 Ngunit alam niya ang iniisip nila, kaya sinabi niya sa lalaking paralisado ang kamay, "Halika, tumayo ka rito sa harapan." Lumapit nga ito at tumayo roon.

9 Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila, "Tatanungin ko kayo. Alin ba ang ipinapahintulot sa Kautusan sa Araw ng Pamamahinga: ang gumawa ng mabuti o ang gumawa ng masama? Ang magligtas ng buhay o ang pumatay?"

10 Tiningnan niya silang lahat, at sinabi sa lalaki, "Iunat mo ang iyong kamay." Iniunat nga ng lalaki ang kanyang kamay at gumaling ito.

Veja também