27 "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hanggaʼt hindi nila nakikita ang kaharian ng Diyos."
Ang Pagbabagong-anyo ni Hesus
28 Mga walong araw matapos sabihin ni Hesus iyon, isinama niya sina Pedro, Juan at Santiago sa isang bundok upang manalangin. 29 Habang nananalangin si Hesus, nagbago ang anyo ng kanyang mukha. Ang damit niya ay naging puting-puti at nakakasilaw tingnan. 30 Biglang nagpakita ang dalawang lalaki, sina Moises at Elias, at nakipag-usap sa kanya. 31 Nakakasilaw din ang kanilang anyo, at ang pinag-uusapan nila ni Hesus ay ang tungkol sa kanyang kamatayan na malapit nang maganap sa Jerusalem.