Hinadlangan ang Pagpapatayo ng Pader
1 Nang mabalitaan ni Sanbalat na itinatayo naming muli ang pader, nagalit siya ng husto at hinamak kaming mga Hudyo. 2 Sa harap ng mga kasama niya at ng mga sundalo ng Samaria, sinabi niya, "Ano ba ang ginagawa ng mga kawawang Hudyong ito? Akala ba nila, maitatayo nila ulit ang pader ng Jerusalem sa loob lang ng isang araw at makapaghahandog uliʼt sila? Akala siguro nila, magagamit pa nila ang mga nasunog at nadurog na mga bato!"
3 Sinabi pa ng Amonitang si Tobias na nasa tabi ni Sanbalat, "Kahit asong-gubat lang ang sumampa sa pader na iyan, mawawasak na iyan!"
4 Agad akong nanalangin, "O aming Diyos, pakinggan nʼyo po kami dahil hinahamak kami. Sa kanila po sana mangyari ang mga panunuya nilang ito sa amin. Madala sana sila sa ibang lugar bilang bihag. 5 Huwag nʼyo pong patawarin ang pagkakasala nila, at huwag nʼyo rin pong kalimutan ang ginawa nila, dahil hinamak4:5 hinamak: O ginalit. nila kayo sa harap naming mga manggagawa."
6 Patuloy ang aming pagtatayo ng pader at nangangalahati na ang taas nito dahil ang mga tao ay talagang masigasig na gumagawa.