33 Kaya umalis sila sa bundok ng Panginoon at naglakbay nang tatlong araw. Nasa unahan nila palagi ang Kahon ng Kasunduan para humanap ng lugar na kanilang mapagpapahingahan. 34 Kung araw, ang ulap ng Panginoon ay nasa itaas nila kapag naglalakbay sila.
35 SA tuwing dadalhin ang Kahon ng Kasunduan, sinasabi ni Moises,
"O Panginoon, manguna po kayo.
At nawaʼy magkawatak-watak
ang mga kaaway ninyo.
Nawaʼy magsilayas sila
sa harapan mo."
36 At kapag inihihinto na nila sa paglalakbay ang Kahon ng Kasunduan, sinasabi ni Moises,
"Panginoon, bumalik na po kayo
dito sa libu-libong mamamayan
ng Israel."