10 Kaya ipapadala kita sa Faraon upang palayain ang aking mga mamamayang Israelita sa Ehipto."
11 Ngunit sinabi ni Moises sa Diyos, "Sino po ba ako upang pumunta sa Faraon at ilabas ang mga Israelita mula sa Ehipto?"
12 Sinabi ng Diyos, "Sasamahan kita, at ito ang tanda na ako ang nagpadala sa iyo: Kapag nailabas mo na ang mga Israelita sa Ehipto, sasambahin ninyo ako sa bundok na ito."